WASTONG PARAAN NG PAGGAMIT NG MGA KAGAMITAN SA SARILI











>> YOUR LINK HERE: ___ http://youtube.com/watch?v=5a9nfQP68yM

Palagi mong isaisip na kailangan mong maging malinis at maayos. May mga kagamitan na dapat mong gamitin para sa iyong sarili lamang at may mga kagamitang maaari ring gamitin ng iba pang kasapi ng pamilya. • May mga akmang kagamitan sa paglilinis at pag–aayos sa sarili. Suriin at pag-aralan ang wastong paggamit sa sumusunod na larawan. • 1. Shampoo – ito ay nagbibigay ng kaaya-ayang amoy sa ating buhok. Ito rin ang nag-aalis ng mga kumapit na dumi at alikabok sa ating buhok. • 2. Suklay o hairbrush – ito ay ginagamit sa pagsusuklay ng buhok upang matanggal ang mga buhol-buhol o gusot sa ating buhok. • 3. Panggupit ng kuko o nail cutter – ito ay ginagamit sa pagpuputol o paggugupit ng kuko sa kamay at paa. Dapat pantayin ang kuko na ginupit gamit ang nail file o panliha. • 4. Sipilyo – ito ay ginagamit kasama ang toothpaste upang linisin at tanggalin ang mga pagkaing dumidikit o sumisingit sa pagitan ng mga ngipin pagkatapos kumain. • 5. Sa pagmumumog dapat gumamit rin ng mouthwash upang lalong makatulong sa pagpapa- natili ng mabangong hininga. Ito rin ay nakatutulong sa pag- pupuksa sa mga mikrobyong namamahay sa loob ng bibig sanhi ng mabahong hininga. • 6. Sabong pampaligo – ito ay nag- aalis ng dumi at libag sa katawan at nagbibigay ng mabango at malinis na amoy sa buong katawan. • 7. Bimpo – ito ay ikinukuskos sa buong katawan upang maalis ang libag sa ating buong katawan. • 8. Tuwalya – ito ay ginagamit na pamunas sa buong katawan pagkatapos maligo para matuyo. • Enjoy Learning!!! • Facebook ▶ https://www.facebook.com/Se%C3%B1ora-... • Youtube ▶    / @senoramaestra447   • VISIT OUR OTHER CHANNELS! • JOKER ▶ •    / @joker-xu8ih   • TikTok Revenge ▶    / @tiktokrevenge989  

#############################









Content Report
Youtor.org / YTube video Downloader © 2025

created by www.youtor.org