EPEKTIBONG GAMOT SA UBO AT SIPON NATURAL WAYS halamanggamot shorts











>> YOUR LINK HERE: ___ http://youtube.com/watch?v=789pHOiRM2c

NATURAL AT EPEKTIBONG GAMOT PARA SA UBO AT SIPON #halamanggamot #homeremedies • Ubo at Sipon ang madalas at karaniwan na karamdaman ng mga Pilipino lalo na sa mga panahong tag–lamig. • Upang maiwasan ang mga ito, makatutulong ang malakas na resistensya at malusog na pangangatawan. • Subalit may mga pagkakataon na hindi maiwasang magkaroon ng mga ito. • Sa kabutihang palad marami ng gamot laban dito at maaaring hindi mo alam ang mga ito ay nasa bakuran mo lamang o nasa inyong kusina. • • • Narito ang mga Halamang Gamot na siguradong makakatulong sayo upang malunasan ng agaran ang iyong ubo at sipon. • • KALAMANSI. • Ang kalamansi ay isang mabisang sangkap para sa pagtunaw ng makapit na plema na may kasamang ubo at sipon. • May antibacterial properties at mataas sa vitamin C ang kalamansi na nagpapalakas ng kakayahan ng katawan na labanan ang iba’t ibang uri ng impeksyon. • • PAANO INUMIN. • Maglagay ng dalawang kutsarita ng katas ng kalamansi sa isang baso ng mainit na tubig. Inumin ito ng hindi bababa sa tatlong beses kada araw para maibsan ang pangangati ng lalamunan at pagdami ng plema. • Maliban sa plema, malaki din ang maitutulong ng kalamansi sa ubo at sipon ng tao. • Maari din mag slice ng kalamansi, lagyan ito ng kaunting asin at sipsipin ang katas nito. Makatutulong itong sapilitang mailabas ang plema sa baga at lalamunan. • Gawin ito ng dalawa o tatlong ulit kada araw. • • LUYA. • Ang luya ay isang natural na decongestant o pangtanggal ng bara sa ilong kaya ito ay mabisang halamang gamot sa ubo. • Ang luya ay may antiviral at expectorant properties na nakatutulong para maibsan ang pagbabara sa lalamunan at dibdib na makatutulong sa paghinga ng maluwag. • • PAANO INUMIN. • Magdagdag ng isang kutsara ng sariwang luya na hiniwa sa isang tasa ng kumukulong tubig. • Hayaan ito sa loob ng ilang minuto at lagyan ng unting asukal. Inumin ito bilang salabat ilang ulit sa maghapon. • Maaari din ngumuya ng sariwang luya o magdagdag ng maraming luya sa inyong mga lutuin. • • SIBUYAS. • Ang sibuyas ay isang mabisang antibiotic, anti-inflammatory at expectorant na makatutulong guminhawa ang lalamunan at maalis ang namumuong plema at ubo. • Ang sibuyas ay nakatutulong din magpalakas ng immune system at mapabilis ang paggaling ng mga karamdaman. • • PAANO GAMITIN. • Hugasang mabuti at tadtadin ng pino ang isang maliit na sibuyas. Ihalo ito sa dalawang kutsara ng asukal at itabi sa loob ng kalahating oras. • Ang pinaghalong mga sangkap ay magbubuo ng likido. Kumuha ng isang kutsara nito at uminom bawat dalawa o tatlong oras para mapabilis ang paggaling. • • PINYA. • Ang pinya ay mayaman sa enzyme na tinatawag na Bromelain. Ang Bromelain ay may katangiang anti-inflammatory at anti-mucolytic, ibig sabihin nagtutunaw ito ng mucus o plema at tinatanggal ito sa katawan. • Ang pag-inom ng pineapple juice ay nakapag-babawas ng plema sa lalamunan at binabawasan ang pag-ubo. • Samantala, posible na ang ibang tao ay may allergy sa bromelain kaya bantayan muna ang reaction ng katawan bago uminom nito ng maramihan. • • Laging Tandaan. • mahalagang maging malusog ang pangangatawan upang makaiwas sa mga karamdaman.

#############################









Content Report
Youtor.org / YTube video Downloader © 2025

created by www.youtor.org