ANG IMPERYONG BYZANTINE











>> YOUR LINK HERE: ___ http://youtube.com/watch?v=dvjIZMkA7LE

Follow us on Facebook:   / knowledge-power-tv-112539693850231   • Sa ilalim ng pamumuno ni Constantine, muling napag-isa ang Imperyong Roman na hinati sa panahon ni Emperador Diocletian. Subalit sa pagkakataong ito, pinagtuonan ni Constantine ang pagpapaunlad sa Silangang Imperyong Roman. Inilipat ni Costantine ang kabisera ng Imperyong Roman mula Rome sa Byzantuim (kasalukuyang Istanbul sa Turkey). Tinawag ang lungsod na Constantinople noong 330 C.E.. Ang Costantinople rin ang naging kabisera ng isang makapangyarihang imperyo-ang Imperyong Byzantine. • Nangyari ang pagtatakda sa Imperyo bilang “Bizantino” sa kanlurang Europa noong 1557 noong maglathala ng kanyang katha-sulat ang isang mananalaysay na Aleman na si Hieronymus Wolf na pinamagatang Corpus Historiæ By¬zantinæ, isang kalipuan ng mga kathang Bizantino. Ang paglalathala noong 1648 ng Byzantine du Louvre (Corpus Scriptorum Historiæ Byzantine), at noong 1680 ng Historia Byzantina ni Du Cange ay lalong nagpatanyag sa paggamit ng katagang Bizantino sa mga awtor na Frances tulad ni Montesquieu. Ang palansak na paggamit ng katagang “Bizantino” sa kanlurang mundo ay naganap sa pagdatal ng siglo 19 sa pagsilang ng makabagong Gresya. • Ang paggamit ng “Imperyo Bizantino” gayundin ng Imperium Graecorum (Imperyo ng mga Griyego) ay pagpapakita rin sa di-pagtanggap sa pag-angkin ng imperyo bilang tagapagmana ng Imperyo Romano. Ang pag-angking Bizantino sa tronong Romano ay matibay na nilabanan ni Papa Leon mula pa man sa pagpuputong kay Carlomagno bilang Imperator Augustus noong taong 800. Kapag binabanggit ng mga Papa o mga namumuno sa Kanluran ang pangalang Romano na tumutukoy sa mga Bizantinong Emperador , kanilang ginagamit ang katagang Imperator Romaniæ sa halip na Imperator Romanorum, na isang titulo na ginagamit ng mga taga-Kanluran para lamang kay Carlomagno at sa mga sumunod sa kanya. • • Copyright Disclaimer Under Section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for fair use for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing, ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS • #ImperyongByzantine #Justinian #Constantinople #KnowledgePowerTV

#############################









Content Report
Youtor.org / YTube video Downloader © 2025

created by www.youtor.org