>> YOUR LINK HERE: ___ http://youtube.com/watch?v=q9rO5W8L3rQ

Sikolohiyang Pilipino : Perspektibo at Direksiyon • Ang kahulugan at saklaw sa layunin ng sikolohiya bilang disiplina sa Pilipinas ay batay sa pangangailangan, wika at kultura ng mga Pilipino • Kahulugan ng sikolohiya sa unibersal na pananaw ay ang agham ng pagkilos ng mga organismo (pahina 6 , Pe-Pua) • It basically deals with the systematic study of behavioral processes of different organisms (pahina 1, Aguirre,Monce, Dy) • Sikolohiyang batay sa konseptong Pilipino “Ang sikolohiya ay tungkol sa kamalayan na tumutukoy sa damdami’t kaalamang nararanasan;sa ulirat na tumutukoy sa pakiramdam sa paligid; sa isip na tumutukoy sa kaalaman at pagkaunawa; sa diwa na tumutukoy sa ugali,kilos o asal;sa kalooban, na tumutukoy sa damdamin;at sa kaluluwa na siyang daan upang mapag-aralan din ang tungkol sa budhi ng tao. • Mga Anyo ng Sikolohiya sa Kontekstong Pilipino • Sikolohiya sa Pilipinas – ito ay bunga ng sunod-sunod na kaalamang may kinalaman sa sikolohiya sa bansang Pilipinas; Pilipinas ang pinaka-angkop na lugar na pagtutuunan ng sikolohiya sa kontekstong Pilipino.; tao sa bahay • Sikolohiya ng (mga)Pilipino- ang bawat teorya ng sinumang nais mag-aral tungkol sa kalikasang sikolohikal ng mga Pilipino; Pilipino man o dayuhan;parehong magagamit tungo sa pagpapaunlad ng pagkaunawa sa sikolohiya ng mga Pilipino. • Sikolohiyang Pilipino- sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino; taumbahay; kusang tinaggap o pinag-isipan upang mabuo o malinang ang mga aspetong teoretikal, metodolohikal at imperikal ng nasabing sikolohiya. • Ang mga konsepto sa Sikolohiyang Pilipino • Mga katutubong Konsepto hindi napag-aaralan dahil sa paggamit ng wika ingles; walang maitumbas sa wika natin, hindi na aralin at wala ng dahilan para aralin; may mga unibersal na konsepto sadyang mas malapit sa karansan ng Pilipino ( hal.,Saling-pusa, pamasak-butas – pagpapahalaga sa damdamin, iniiwasan ang huwad na pakikisama • Konsepto ng bunga ng pagtatakda ng kahulugan – pag-aralan ang tamang tumbas sa Pilipino;teknikal na pag-aaral – umaayon sa wika at kultura; hal., alaala at gunita vs memory; gunita – recall (ibinaon sa gunita); alaala- emosyonal (memory); pagkatao vs personality • Pag-aandukha o pagbibigay ng katutubong kahulugan sa ideya at salitang hiram; nagmula sa banyaga salita; hal., “If you have a chance to take advantage of it” ; chance = kagarapalan • Ang pagbibinyag o paggamit ng katutubong salita para sa pandaigdigan o banyagang konsepto – paggamit ng katutunong salita para sa unibersal na konsepto; Hal., hiya, utang-na-loob, at pakikisama. Meron naman ito sa amerikano, sa iba paraan lamang ipinapakita hindi kagaya ng mga Pilipino; hiya; kahiya-hiya, walang-hiya- magkakaiba ang kahulugan; impression formation vs kilatisin • ang paimbabaw na asimilasyon ng taguri at konseptong hiram; reimporsment vs kapalaran – napala , katarungang likas; need achievement (standard of excellence) sa konseptong Pilipino; • Ang mga ligaw at banyagang konsepto; home for the aged; prejudice • Konklusyon • Minamata o nimamaliit ang mga paksa dahil ito ay karaniwan o bakya (Hal. Panghuhula) • Ang teorya ay dapat makabuluhan at nauugnay sa karanasang Pilipino. Hindi sapat ang pag-aangkop ng teoryang kanluranin. Ang kailangan ay mga teoryang nag-uugat sa mga konsepto, pananaw at karanasang Pilipino. Ang teorya ay bunga lamang ng pagsanib ng mga kongkretong karanasan at ng kulturang pinagmumulan nito (Salazar, 1995) • Metodo ay dapat maging makabuluhan sa kulturang pinag-aaralan o yaong nauunawaan at tinatanggap ng komunidad. • Ang limitasyon ng kanluraning metodo sa pananaliksik ay hindi agad maiaangkop sa mga baryo sa Pilipinas (Feliciano, 1965) • Paggamit ng “Interview schedule” • Metodong patanong-tanong (de Vera et. Al., 1975) • Pakikiramdam at pagpapahiwatig (de Peralta at Racelis, 1974) • Pakikipagkwentuhan(de Vera, 1976) • Patakarang Santiago (pakapa-kapa) • Mga Mungkahi • Iminumungkahi ang pag-aangkop ng mga teoryang hindi pa nasusuri at napatunayang makabuluhan sa buhay at lipunang Pilipino • Iminumungkahi iwasan ang bulag na pagsunod sa alin mang pagbabago sa sikolohiya sa ibang bansa. Mahalaga ito upang magkaroon ang Pilipino ng higit na mapanuri at orihinal na pag-aaral. • Iminumungkahing magkaroon ng pagkakaisa at komunikasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, sapagka’t ito’y tanda ng pagkilala at pagpapahalaga sa kanyang kakayahan • Kinakailangan linangin ang pagtitiwala at paggalang sa sariling kakayahan sapagkat ang higit na pagtitiwala sa sarili ay siyang magiging daan tungo sa higit na pagsusuri sa mga impormasyon at teoryang banyaga. Gamitin ang magagamit mula sa ibang bansa at iwaksi ang hindi. • SULATRONIKO • [email protected] • #SikolohiyangPilipino #ItanongMoKayMommyPrecious

#############################









Content Report
Youtor.org / YTube video Downloader © 2025

created by www.youtor.org