Pol Det ni Billy Ibarra











>> YOUR LINK HERE: ___ http://youtube.com/watch?v=zBGMP0W4mIc

POL DET • Sa loob nitong masikip na bilangguan • Binibilang ang mga araw na pinagkaitan ng kalayaan • Isa, dalawa, tatlo, apat, lima • Mahigit limang taon na rin pala • Limang taong pangungulila sa matagal na pagkawalay • Sa pamilyang nais makapiling muli sa mga araw ng aking buhay • Hinahanap-hanap pa rin ang yakap ng aking sinta • Maging ang tinig na araw-araw nagsasabing mahal kita • Ang anak ko, kumusta na kaya siya? • Halos 'di ko na nasubaybayan ang kanyang pagdadalaga • Baka nag-aalala na rin si Nanay • Wala rin ako nang ilibing si Tatay • Kumusta na rin kaya ang mga kasama? • Sina Randy, Hector, Arvin at Estella • Sana'y masikhay pa rin silang nakikibaka • At patuloy pa rin sana ang kanilang pagpukaw ng damdamin ng masa • Alam kong nariyan lang silang patuloy na mananawagan • Upang ang paglaya ng isang katulad ko'y mabigyan ng katuparan • 'Yong ibang bilanggong politikal, inaabutan na lang ng kamatayan • Katulad ni Kasamang Bernabe na hindi na umabot ng Kapaskuhan • Na-stroke at na-coma, animnapu't anim na taong gulang • Sa Jose Reyes, hindi na natikman pang muli ang kalayaan • Hinihintay ba nila na magkasakit din kaming lahat upang makalaya? • Ilang taon na kami rito, wala ba kayong bayag para bigyan kami ng amnestiya? • Walang ginawang masama kundi ang makibaka para sa bayan • Hangga't narito kami, hindi uusad ang usapang pangkapayapaan • Marami na ring nawalang araw sa buhay ko • Magmula nang pagkasyahin ang sarili sa piitang ito • Ginawan ng patong-patong na mga kasong 'di naman ginawa: murder, rape, arson, at kung ano-ano pa • Hinainan ng sandamakmak na kasinungalingan nila • Kung akala ng estadong ito na patuloy kaming mapoposasan • Nagkakamali sila, tuloy lang ang laban • Hindi mahahadlangan ng rehas ang patuloy na paglahok sa pakikidigma • Para sa tunay na demokrasya at para sa isang bagong umaga • Ang pagkakakulong ng isang katulad ko'y maliit na sakripisyo lamang • Kumpara sa pagiging api at kahirapang dinaranas ng sambayanan • Malinaw ang makatarungang kapayapaan at isang tunay na pambansang kalayaan • Hindi habambuhay na detenido ang katotohanan • #FreeAllPoliticalPrisoners

#############################









Content Report
Youtor.org / YTube video Downloader © 2025

created by www.youtor.org