KAHULUGAN NG PANANALIKSIK AYON SA MGA DALUBHASA
#############################
Video Source: www.youtube.com/watch?v=XQWEXFAUXLU
#pananaliksik #kahulugan #researh • KAHULUGAN NG PANANALIKSIK AYON SA MGA DALUBHASA • Term Paper Warehouse • The Research Paper Factory • Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan. • • Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali. • Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito. • Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. • Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. • Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. • Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao. • Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya. Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay nakaplano. • Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan. • Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang komposisyon sa musika. • Ayon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali. • Ayon kay Arrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na nangangailangan ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa at higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.
#############################