RAPSTAR Flow G lyrics











############################# Video Source: www.youtube.com/watch?v=gxfEgC-NpAI

LIKE SUBSCRIBE • #rapstar #flowg #lyrics #trending • 'Di niyo na puwede masisi kung ba't gan'to • Ginaganapan ko lang nang natural • 'Tsaka inagapan ko na mautal • Nilaban, sinugal, ginapang, minahal • Katagalan, natutunan ko nang tumagal • 'Tsaka alam ko naman na inaabangan • Na sana tabangan 'yung papakawalan para 'di na abangan • Kaso nga lang, palaban ang batang Alabang • Kinalakihan na galingan nang galingan • Kaya nakasanayan kong makabuo nang madiin • 'Di ko namalayan na malayo na malayo na pala • Na 'yung narating, pati ako napailing • Mga naniwala, 'di ko puwedeng biguin • 'Di ko puwedeng pakitaan ng bitin • Mga taenga na kailangang busugin ko pa din • Kahit kabisado na kilitiin • Alam ko na may mata na nagbabantay kung pa'no ako sasablay • Matiyagang nag-aantay kung kailan ako tatamlay at lalaylay • 'Yung mga laway na laway na makita ako na mahina, umay na umay na manira • Ngalay na ngalay na manghila kasi nga walang pinakitang hindi pamatay • No'ng napasarap mag-rap, ang daming nagbago • Daming nagbago mula no'ng kilalanin ng tao • Daming nagtulak sa 'kin palaging maging ganado • Palaging plakado, 'pag gumalaw, palaging planado • Daming pasabog kailangan 'pag malawak ang sakop • Ikaw din ang talo sa laban 'pag nabalot ng takot • Kung sa'n ka aabot, hakutin lahat ng mahahakot • 'Yung dami ng pagod ay may sukli 'pag 'di ka madamot • At kung hindi ko tyinaga, baka nauwi na sa wala • Ganito pala 'to kalala, kita mo naman ang napala • Pa'no kung hindi ko ginawa? • 'Yung iba, 'di makahalata, malaki na ang nakataya • Marami na puwede mawala • Kaya 'di na puwede'ng pabaya, hindi puwedeng puro mamaya • Baka sa huli, mapahiya • Totoo na parang himala, nagsimula sa ibaba, tiningala • Matagal ko din 'yang kinapa kada gawa • 'Di madapa 'yung kalidad, 'di mo nakitang binaba • No'ng marami pang nagdududa, puro kilos ang inuuna • Ngayon, kita mo namumunga, tumutubo • Napakarami kong nakukuha pero 'di pa rin nalulula • Ta's sa ugali, wala pa ring binago • Tao pa rin 'pag humaharap sa tao • Pero 'pag usapang rap, paiba-iba 'ko • Literal na may bago kang aabangan sa tuwing may ilalabas na bago • 'Yun ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi • Para mas lalo sila ganahan, 'di 'yung mga bago ko hanapin • 'Yung iba naman, nabababawan pero 'di na para atupagin • 'Di kasi nila maunawaan na 'yung bulsa ko, pinapalalim • Kahit papaano naman, naganapan ko paunti-unti • Gumalaw nang pino, hindi maitatangging iba din ang laking Munti • Tila may anting-anting sa galing, himala 'yung kuting ay naging kambing • Sa dami ng hinain na putahe, puwedeng akalaing malaking canteen • 'Yung iba, nakahalata na sa pangalan at plaka • Nagiging malala bigla lalo 'pag pabaliktad na binasa (Wolf) • 'Pag gumagawa, ginagawa, magagawa, maiba lang ang lasa • Para maipakita ko din na 'di na 'ko gumagawa nang basta-basta • Ngayon, lalo pang nananabik • Kasi mayro'n nang bumabalik • Gagawin ko pa rin nang gagawin • Ngayon, sa'n pa kaya ako nito dadalhin? • Subok na subok na 'yung lagi niyong sinusubok no'n • 'Yung mga nanubok, 'yung ilong, umusok, 'tsaka kumulo tumbong • Eto na ngayon 'yung mga sinabihan niyong gunggong • Sa tuktok na kami tumutungtong, eto 'yung hindi niyo matutunton • 'Tsaka ramdam niyo na ring pataas kami nang pataas • Kada labas, kahit hindi madalas, palakas pa rin nang palakas • Sa 'min na 'tong palabas, mabanas kayo nang mabanas • Pagka usapang 'Pinas, pasok kami diyan, hindi na mapapalabas • 'Wag ka na magtaka, ba't nangyari at papa'no • Kasi kitang-kita niyo naman, malinaw pa sa klaro • Sarili na lang ang tinatalo • Oo, wala nang iba, halata kasi nga no'ng 'yung uso, naiba • Oh, 'di ba, 'yung iba, nabura? • #rapstar #flowg #lyrics

#############################









Content Report
Youtor.org / Youtor.org Torrents YT video Downloader © 2024

created by www.mixer.tube