ARPAK Prologo











############################# Video Source: www.youtube.com/watch?v=ruX9PT6YZMU

Stream/download: https://arpakph.bandcamp.com/album/wa... • ---- • Isang malaking kabalintunaan na sa isang bansa katulad ng Pilipinas, na may malalawak na lupaing agrikultural at masaganang likas na mga yaman, ay mayroong matinding kagutuman. Higit na absurdo na kung sino pa ang primaryang tagasuplay at tagalikha ng pagkain sa ating mga hapag, ay sila ring primaryang biktima ng laganap na kahirapan. • Imbis na suportahan, dagdag na pagpapahirap ang ipinapasan estado sa mga magsasaka. Imbis na tugunan ang kanilang panawagan para sa lupa—na dapat sana’y tutugon sa napakaraming problema ng bansa tulad ng kagutuman—patuloy na isnasantabi, pinapabayaan, at mas pinalalala pa nga ang kanilang kundisyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga neoliberal at maka-dayuang polisiya at patakaran. Isa rin sa mga palagiang target ng pasismo at kontra-insurhensyang polisiya ng rehimen ay ang mga magsasaka na naggigiit lamang kanilang karapatan para sa lupa at kabuhayan. • Sa sama-samang pagkilos kasama ang hanay ng pangunahing pwersang magsasaka, tuluyang maililibing ang naaagnas na sistemang malapyudal. Dahil sa puntod lamang ng nabubulok na sistemang ito uusbong ang pambansang industriya na magiging susi sa tunay na kaunlaran at seguridad sa pagkain. • Kinakailangang itampok ang pakikibaka ng mga magsasaka sa kanayunan upang kumawala sa pyudal na pagkaalipin. Dahil Ang pagkaalipin na ito ang inspirasyon sa matagalang digmang bayan na kasalukuyang inilulunsad sa kanayunan, kasabay ng lumalalang sosyo-ekonomikong krisis na dulot ng nabubulok na pandaigdigang sistema ng kapitalismo. Hangga't nariyan ang pyudal na pagkaalipin, patuloy na magiging matabang lupa ang kanayunan para sa digmang pesante.

#############################









Content Report
Youtor.org / Youtor.org Torrents YT video Downloader © 2024

created by www.mixer.tube