Wastong Paraan ng Pamamalantsa
>> YOUR LINK HERE: ___ http://youtube.com/watch?v=6PBquFDHpIc
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) • Ikalawang Markahan - Modyul 3 : • Wastong Paraan ng Pamamalantsa • Pangangalaga sa Kasuotan: PAMAMALANTSA • Ang pamamalantsa ay isang paraan ng pag-aalis sa mga lukot sa damit na dulot ng paglalaba upang bumalik ito sa dating hugis at anyo. Kailangang plantsahin muna ang daamit bago ito isuot upang maging malinis at maayos tingnan • Wastong hakbang sa Pamamalantsa • 1.Ihanda ang lahat ng kailangan. Plantsa, plantsahan o kabayo na may makapal at malambot na sapin, pangwisik mga sabitan o hanger at malinis na basahan. • 2.Ihanda ang paplantsahin, Bukod-bukod rin ito- blusa at polo, pantalon, palda, mga panloob panyo. Hindi na ito kailangan wisikan o basaing sabay-sabay kung may pandilig ang plantsa. Kung wala naman, mainam na gamitin ang sprayer o pangwisik. • 3.Subukin ang init ng plantsa sa isang basahan, hindi sa plantsahan at lalong hindi sa damit. Ang iba ay gumagamit ng dahon ng saging para dumulas ang plantsa. • 4.Maingat na plantsahing ang mga bahagi ng damit ayon sa pakakasunod-sunod. Maaaring maiba ito ayon sa yari ng damit at sa pangangailangan nito. • A.Blusa o Polo -Unahin plantsahin ang kuwelyo, isunod ang manggas, bahagi ng balikat sa likuran at unahan ng blusa o polo, harapan at ang ibang bahagi • B. Palda-Unahing plantsahin ang bulsa, bahagi ng baywang o sinturera at zipper. Unatin ang buong palda at plnatsahin ang mga pleats. • C. Pantalon - Unahing plantsahin ang mga bulsa at isunod ang bahagi ng tahi sa zipper, isunod ang bahagi ng baywang at sinturera patungo sa balakng at hita ng pantalon • D. Short - May kasuotang sa kabaligtaran pinaplantsa tulad ng mga may burda, may disenyo na maaring manikit. Ginagawa rin ito sa mga lace. Nakababawas sa pangungupas ang ganitong paraan • 5.Isampay ng maayos sa mga sabitan ang mga pinalantsa. Ang mga iba pang kasuotan at kagamitan ay maayos na tiklupin at itago nang ayon sa pangkat. • #EPP #DEPED #Grade5
#############################