Ugnayang pangnegosyo ng Pilipinas at Tsina palalawakin pa











>> YOUR LINK HERE: ___ http://youtube.com/watch?v=HP86TFsNVnE

Ugnayang pangnegosyo ng Pilipinas at Tsina, palalawakin pa • Idinaos Nobyembre 5 hanggang 10, 2024, sa National Exhibition and Convention Center (NECC), lunsod Shanghai, gawing silangan ng Tsina ang Ika-7 China International Import Expo (CIIE). •   • Lumahok dito ang delegasyong Pilipino na binubuo ng mga opisyal mula sa iba’t-ibang kagawaran, at mga negosyante mula sa 16 na kompanya ng pagkain. •   • Sa eksklusibong panayam ng China Media Group – Filipino Service (CMG-FS) kay Glenn G. Peñaranda, Commercial Counselor ng Philippine Trade and Investment Center (PTIC)-Beijing, sinabi niyang ito ang ika-7 paglahok ng Pilipinas sa taunang CIIE.,at natutuwa siyang makitang patuloy ang malakas na interes ng mga Tsinong mangangalakal at mamimili sa mga produktong Pilipino. •   • Sinabi pa niyang ang merkadong Tsino ay isa sa mga pinakamalaki sa mundo at bilang kapitbahay ng Tsina, ang Pilipinas ay nasa estratehikong posisyon dahil sa pangangailangan ng mga Tsinong konsyumer sa de-kalidad, sariwa at natural na pagkaing produkto.   •   • Paliwanag niya, ang sitwasyong ito ay nagbibigay ng magandang oportunidad sa Pilipinas na maihatid sa merkadong Tsino ang mga produktong sariwa pa. •   • Diin niya, dahil napakalaki ng merkadong Tsino, kailangan pang palakasin ng Pilipinas ang kakayahan nito na magprodyus ng mas marami pa, para mas matugunan ang mga pangangailangan at makinabang din ang mga Pilipinong eksportador. •   • Ang malakas na negosyo sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay nagbubunga sa mas malalim pang kolaborasyon sa iba’t ibang aspekto na gaya ng pagtatanim ng mga produkto, pasilidad sa pagpoproseso, cold chain, at pagpapaunlad ng mga bagong produkto, dagdag pa ni Peñaranda . •   • Ibinahagi ni Glenn ang Liwayway Corporation, isang kompanyang Pilipino na nakabase sa Shanghai, bilang magandang modelo ng inspirasyon at indikasyon sa mga Pilipino, na ang merkadong Tsino ay mayroong napakalaking oportunidad. •   • Tinukoy niyang bukod sa mga produktong agrikultural, marami pang oportunidad at isinasagawang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, gaya ng bagong enerhiya, de-kuryenteng sasakyan (EV), mga materyales sa paggawa ng baterya, solar at wind energy, didyital na ekonomiya, at iba pa. •   • Bilang panapos, ipinahayag ni Peñaranda ang kanyang optimismo sa patuloy na pagpapalago ng kalakalang Pilipino-Sino. •   • https://filipino.cri.cn/2024/11/26/VI...

#############################









Content Report
Youtor.org / Youtor.org Torrents YT video Downloader © 2024

created by www.mixer.tube